Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.
1 Mapalad Rom. 4:7,8.siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng 2 Cor. 5:19.Panginoon,
At Juan 1:47.walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako’y tumahimik, ay nanglumo ang Awit 102:3.aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka’t araw at gabi ay 1 Sam. 5:6,11;Awit 38:2.mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang Awit 51:3.aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, Kaw. 28:13;Luc. 15:18,21;1 Juan 1:9.Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito’y dalanginan ka nawa ng bawa’t isa na banal sa Awit 69:13.panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.