Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.
1 Aking sinabi, 1 Hari 2:4;2 Hari 10:31.Ako’y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
2 Job 40:4,5.Ako’y napipi ng pagtahimik, ako’y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
3 Ang aking puso ay Luc. 24:32.mainit sa loob ko;
Habang ako’y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo’y nagsalita ako ng aking dila:
4 Panginoon, Awit 90:12.ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
5 Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang Awit 90:4.aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa’t tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang Awit 144:4.walang kabuluhan. (Selah)
6 Tunay na bawa’t tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
Job 27:17.Tunay na sila’y nagugulo ng walang kabuluhan:
Awit 49:10.Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
7 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
Awit 38:15.Ang aking pagasa ay nasa iyo.
8 Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
Awit 44:13.Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
9 tal.2.Ako’y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka’t 2 Sam. 16:10;Job 2:10.ikaw ang gumawa.
10 Job 13:21.Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako’y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
Job 13:28;Is. 50:9.Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa’t tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
Awit 28:4.Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
Lev. 25:23;1 Cron. 29:15;Heb. 11:13;1 Ped. 2:11.Sapagka’t ako’y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na Gen. 47:11.gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 Job 9:27;10:20.Oh tulungan mo ako, upang ako’y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.