Publicidade

Salmos 4

Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa #Hab. 3:19. Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.

1 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;

Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako’y nasa kagipitan:

Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.

2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?

Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)

3 Nguni’t talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:

Didinggin ng Panginoon pagka ako’y tumawag sa kaniya.

4 Ef. 4:26.Kayo’y magsipanginig, at huwag mangagkasala:

Awit 64:6.Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo’y magsitahimik.

5 Awit 31:16;80:3,7,19.Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,

At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.

6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?

Is. 9:3.Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.

7 Ikaw ay naglagay ng Awit 3:5.kasayahan sa aking puso,

Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.

8 Awit 84:3.Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:

Sapagka’t ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-