1 Awit 27:14.Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya’y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
2 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, Awit 69:2,14.mula sa balahong malagkit;
Awit 27:5.At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at Awit 37:23.itinatag ang aking mga paglakad.
3 Awit 33:3.At siya’y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga’y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
4 Awit 34:8.Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
5 Ex. 15:11;Job 5:9.Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
Is. 55:8.At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako’y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila’y higit kay sa mabibilang.
6 1 Sam. 15:22;Awit 51:16;Is. 66:3;Os. 6:6;Mat. 12:7;Heb. 10:5-7.Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo’y sinabi ko: Narito, dumating ako;
Jer. 36:2.Sa balumbon ng aklat ay Luc. 24:44.nakasulat tungkol sa akin:
8 Juan 4:34.Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay Awit 37:31.nasa loob ng aking puso.
9 Ako’y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran Awit 22:25.sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang Awit 61:7.iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka’t kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay 2 Sam. 22:6.umabot sa akin, na anopa’t hindi ako makatingin;
Sila’y Awit 69:4.higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan40:13 Awit 70:1-5. mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay Awit 38:22.magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 Awit 35:4.Sila’y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa’y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, Awit 35:21.Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay Awit 35:27.mangagsabi nawang palagi,
Awit 34:3.Ang Panginoon ay dakilain.
17 Awit 86:1.Nguni’t ako’y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma’y inalaala ako Awit 37:5;1 Ped. 5:7.ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.