Publicidade

Salmos 42

IKALAWANG AKLAT

Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.

1 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig 1 Cron. 6:33,37.ng mga batis,

Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.

2 Awit 63:1;84:2.Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, 1 Tes. 1:9.ang buháy na Dios:

Kailan ako paririto, Awit 84:7.at haharap sa Dios?

3 Ang aking mga luha ay Awit 80:5.naging aking pagkain araw at gabi,

Awit 77:10.Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?

4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at Job 30:16;1 Sam. 1:15;Awit 62:8.nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,

Is. 30:29.Kung paanong ako’y nagpatuloy sa karamihan, Awit 120-134 mga titik.at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,

Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.

5 Awit 43:5.Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?

At bakit ka nababagabag sa loob ko?

Umasa ka sa Dios: sapagka’t pupuri pa ako sa kaniya

Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.

6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;

Kaya’t aking inaalaala ka 2 Sam. 17:22,24.mula sa lupain ng Jordan,

At ng Deut. 3:9.Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.

7 Jer. 4:20;Ezek. 7:26.Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:

Awit 88:7;Jon. 2:3.Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.

8 Gayon ma’yAwit 133:3.uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,

At Job 35:10;Awit 32:7.sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,

Sa makatuwid baga’y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.

9 Aking sasabihin sa Dios na aking 2 Sam. 22:2.malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?

Bakit ako’y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?

10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;

Joel 2:17;Mik. 7:10.Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?

11 Awit 43:5.Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?

At bakit ka nababagabag sa loob ko?

Umasa ka sa Dios: sapagka’t pupuri pa ako sa kaniya,

Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-