1 Ang Dios ay Awit 62:7,8.ating ampunan at kalakasan,
Deut. 4:7;Awit 145:18.Handang saklolo sa kabagabagan.
2 Kaya’t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 Awit 65:9;Is. 8:6.May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya Awit 48:1;Is. 60:14.sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 Deut. 23:14;Is. 12:6;Joel 2:27;Zef. 3:15.Ang Dios ay nasa gitna niya; siya’y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 Is. 7:14;8:8,10.Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8 Kayo’y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 Is. 2:4.Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
Is. 2:11,17.Ako’y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako’y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.