Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Awit 46:1-3,6,10

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.

1 Ang Dios ay Awit 62:7,8.ating ampunan at kalakasan,

Deut. 4:7;Awit 145:18.Handang saklolo sa kabagabagan.

2 Kaya’t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,

At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;

3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.

Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)

6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:

Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.

10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:

Is. 2:11,17.Ako’y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako’y mabubunyi sa lupa.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Ang Diyos ang ating kanlungan

    at kalakasan.

    Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo

    sa oras ng kagipitan.

    2 Kaya huwag tayong matatakot

    kahit lumindol man,

    at gumuho ang mga bundok

    at bumagsak sa karagatan.

    3 Humampas man at umugong

    ang mga alon na naglalakihan,

    at mayanig ang kabundukan.

    6 Nagkakagulo ang mga bansa;

    bumabagsak ang mga kaharian.

    Sa sigaw ng Diyos, ang mga tao

    ay parang matutunaw sa takot.

    10 Sinasabi niya,

    "Tumigil kayo46:10 Tumigil kayo: O Tumahimik kayo o Bitawan ninyo ang mga armas ninyo. at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.

    Akoʼy pararangalan sa mga bansa.

    Akoʼy papupurihan sa buong mundo."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.