Publicidade

Salmos 47

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

1 Oh 2 Hari 11:12;Awit 98:8.ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;

Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.

2 Sapagka’t ang Panginoong kataastaasan Deut. 7:21;Neh. 1:5.ay kakilakilabot;

Mal. 1:14.Siya’y dakilang Hari sa buong lupa.

3 Awit 18:47.Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,

At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.

4 Kaniyang ipipili tayo 1 Ped. 1:4.ng ating mana,

Is. 16:15.Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)

5 2 Sam. 6:15.Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,

Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.

6 Kayo’y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo’y magsiawit ng mga pagpuri:

Kayo’y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo’y magsiawit ng mga pagpuri.

7 Sapagka’t ang Dios Zac. 14:9.ay Hari ng buong lupa:

1 Cor. 14:15.Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.

8 Awit 22:28;Apoc. 19:6.Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:

Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.

9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan

Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;

Sapagka’t ang mga Awit 89:18.kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;

Siya’y totoong bunyi.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-