Publicidade

Salmos 48

Awit; Salmo ng mga anak ni Core.

1 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,

Awit 46:4.Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang Awit 2:6;Is. 2:2,3;Zac. 8:3.banal na bundok.

2 Awit 50:2;Panag. 2:15.Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong Is. 14:13.lupa,

Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,

Mat. 5:35.Na bayan ng dakilang Hari.

3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.

4 Sapagka’t narito, ang mga hari ay nagpupulong,

Sila’y nagsidaang magkakasama.

5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;

Sila’y nanganglupaypay, sila’y Awit 104:7.nangagmadaling tumakas.

6 Ex. 15:15.Panginginig ay humawak sa kanila roon;

Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

7 Ezek. 27:26.Sa pamamagitan ng hanging silanganan

Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.

8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita

Sa Is. 60:14.bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:

Is. 2:2.Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)

9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,

Sa gitna ng iyong templo.

10 Kung ano ang Deut. 28:58;Jos. 7:9;Awit 113:3;Mal. 1:11,14.iyong pangalan, Oh Dios,

Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;

Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.

11 Matuwa ka bundok ng Sion,

Magalak ang mga Awit 97:8.anak na babae ng Juda,

Dahil sa iyong mga kahatulan.

12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:

Inyong saysayin ang mga moog niyaon.

13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,

Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;

Upang inyong maisaysay ito sa Awit 102:18.susunod na lahi.

14 Sapagka’t ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:

Siya’y magiging ating Is. 58:11.patnubay hanggang sa kamatayan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-