1 Awit 25:7.Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan tal.9;Is. 43:25;Gawa 3:19.ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 Apoc. 1:5.Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka’t Awit 32:5.kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 2 Sam. 12:13.Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
Rom. 3:4.Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
5 Job 14:14;Juan 3:6;Rom. 5:12;Ef. 2:3.Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 Ex. 12:22;Blg. 19:18.Linisin mo ako ng hisopo, at ako’y magiging malinis:
Hugasan mo ako Is. 1:18.at ako’y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang Is. 1:18;Awit 35:10.ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At Panag. 5:21.magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa Gen. 4:14.iyong harapan;
Rom. 8:9.At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako 2 Cron. 29:31.ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo’y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad;
At ang mga makasalanan ay Luc. 22:32.mangahihikayat sa iyo.
14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan;
At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi;
At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka’t 1 Sam. 15:22.hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 Awit 34:18.Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18 Awit 69:35,36.Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion:
Awit 147:2.Itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19 Kung magkagayo’y malulugod ka Deut. 33:19;Awit 4:5.sa mga hain ng katuwiran,
Sa handog na susunugin at sa Deut. 33:10.handog na susunuging buo:
Kung magkagayo’y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.