4 2 Sam. 12:13.Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
Rom. 3:4.Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
5 Job 14:14;Juan 3:6;Rom. 5:12;Ef. 2:3.Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 Ex. 12:22;Blg. 19:18.Linisin mo ako ng hisopo, at ako’y magiging malinis:
Hugasan mo ako Is. 1:18.at ako’y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang Is. 1:18;Awit 35:10.ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.