Publicidade

Salmos 54

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga #1 Sam. 23:19; 26:1. Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?

1 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.

At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.

2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;

Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.

3 Sapagka’t Awit 86:14.ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,

At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:

Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)

4 Narito, ang Dios ay aking katulong:

Awit 118:7.Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.

5 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:

Awit 89:49.Gibain mo sila sa iyong katotohanan.

6 Blg. 15:3;Awit 51:12;Os. 14:4.Ako’y maghahain sa iyo ng kusang handog:

Ako’y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, Awit 52:9.sapagka’t mabuti.

7 Sapagka’t iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;

Awit 59:10;92:11.At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-