Pular para o conteúdo
Publicidade Remover anúncios

Mga Awit 55

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.

1 Awit 54:2.Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;

At huwag kang magkubli sa aking pananaing.

2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:

Is. 38:14.Ako’y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako’y dumadaing;

3 Dahil sa tinig ng kaaway,

Dahil sa pagpighati ng masama;

2 Sam. 16:7,8.Sapagka’t sila’y naghagis ng kasamaan sa akin,

At sa galit ay inuusig nila ako.

4 Awit 116:3.Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:

At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.

5 Awit 2:11.Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,

At tinakpan ako ng Ezek. 7:18.kakilabutan.

6 At aking sinabi, Oh kung ako’y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!

Lilipad nga ako, at magpapahinga.

7 Narito, kung magkagayo’y gagala ako sa malayo,

Ako’y titigil sa ilang. (Selah)

8 Ako’y magmamadaling sisilong

Mula sa malakas na hangin at bagyo.

9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:

Sapagka’t ako’y nakakita ng Jer. 6:7.pangdadahas at pagaaway sa bayan.

10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:

Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.

11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;

Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.

12 Sapagka’t hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;

Akin nga sanang nabata:

Awit 41:9.Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;

Nagtago nga sana ako sa kaniya:

13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,

2 Sam. 16:23;Awit 41:9;Jer. 9:4;Mik. 7:5.Aking kasama at aking kaibigang matalik.

14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,

Tayo’y lumalakad na magkaakbay Awit 42:4.sa bahay ng Dios.

15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,

Blg. 16:30,33;Awit 124:3.Mababa nawa silang buháy sa Awit 16:10.Sheol:

Sapagka’t kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.

16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;

At ililigtas ako ng Panginoon.

17 Dan. 6:10;Luc. 18:1;Gawa 3:1;10:3,9,30;1 Tes. 5:17.Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako’y dadaing at hihibik:

At kaniyang didinggin ang aking tinig.

18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:

2 Hari 6:16.Sapagka’t sila’y marami na nakikipaglaban sa akin.

19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,

Siyang tumatahan ng una. (Selah)

Ang mga tao na walang mga pagbabago,

At hindi nangatatakot sa Dios.

20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:

Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.

21 Kaw. 5:3,4.Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:

Nguni’t ang kaniyang puso ay pakikidigma:

Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,

Awit 57:4.Gayon ma’y mga bunot na tabak.

22 Awit 37:5;Mat. 6:25;Luc. 12:22;1 Ped. 5:7.Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:

Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.

23 Nguni’t ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:

Mga mabagsik at magdarayang tao ay Job 15:32;Kaw. 10:27;Ec. 7:17.hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;

Nguni’t titiwala ako sa iyo.

Todos os capítulos de Mga Awit 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.