1 Awit 57:1.Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka’t sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
2 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka’t sila’y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
3 Sa panahong ako’y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, Awit 118:6;Is. 51:12;Heb. 13:6.hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6 Sila’y nagpipisan, Awit 10:8.sila’y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang Awit 71:10.pagaabang sa aking kaluluwa.
7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
2 Hari 20:5;Awit 39:12.Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
Mal. 3:16.Wala ba sila sa iyong aklat?
9 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako’y tumawag:
Ito’y nalalaman ko, sapagka’t ang Rom. 8:31.Dios ay kakampi ko.
10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, Awit 118:6;Is. 51:12.hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako’y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13 Sapagka’t Awit 116:8.iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako’y makalakad sa harap ng Dios
Job 33:30;Awit 49:19.Sa liwanag ng buhay.