1 Awit 56:1.Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka’t ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa Ruth 2:12;Awit 17:8.lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
Is. 26:20.Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako’y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 Awit 144:5,7.Siya’y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
Awit 40:11.Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako’y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay Awit 52:2.matalas na tabak.
5 Awit 108:5.Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng Awit 9:15.silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila’y nagsihukay ng isang Awit 119:85.lungaw sa harap ko.
Sila’y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 Hanggang tal.11;Awit 108:1-5.Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako’y aawit, oo, ako’y aawit ng mga pagpuri.
8 Huk. 5:12.Gumising ka, Awit 16:9;30:12.kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako’y gigising na maaga.
9 Ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako’y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 Awit 36:5.Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.