Publicidade

Salmos 63

# 1 Sam. 22:5. Awit ni David, nang siya’y nasa ilang ng Juda.

1 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang Is. 26:9.maaga:

Kinauuhawan ka Awit 42:2.ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,

Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.

2 Sa gayo’y tumingin ako sa iyo sa santuario.

Upang tanawin ang Awit 27:4.iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.

3 Awit 30:5.Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:

Pupurihin ka ng aking mga labi.

4 Sa gayo’y pupurihin Awit 104:33.kita habang ako’y nabubuhay:

Awit 119:48.Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.

5 Ang kaluluwa ko’y matutuwa na gaya sa utak at taba;

At ang bibig ko’y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;

6 Pagka Awit 42:8.naaalaala kita sa aking higaan,

At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.

7 Sapagka’t naging katulong kita,

At Awit 61:4.sa lilim ng mga pakpak mo’y magagalak ako.

8 Ang kaluluwa ko’y nanununod na mainam sa iyo:

Inaalalayan ako ng iyong kanan.

9 Nguni’t ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,

Magsisilusong sa mga lalong Awit 86:13.mababang bahagi ng lupa.

10 Sila’y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:

Sila’y magiging pagkain sa mga zorra.

11 Nguni’t Awit 61:6.ang hari ay magagalak sa Dios:

Bawa’t sumusumpa sa pamamagitan niya ay Deut. 6:13;Is. 45:23;Zef. 1:15.luluwalhati;

Sapagka’t Rom. 8:13.ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-