1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo’y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
Awit 86:9;Is. 66:23.Sa iyo’y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay Awit 51:2;Is. 6:7;Heb. 9:14;1 Juan 1:7,9.lilinisin mo.
4 Awit 33:12.Mapalad ang tao na Awit 4:3.iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
Awit 27:4.Upang siya’y makatahan sa iyong mga looban:
Awit 36:8.Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng Awit 22:27.lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa’t nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 Awit 89:9;Mat. 8:26.Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
Awit 76:10.At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 Deut. 11:12.Iyong dinadalaw ang lupa, at Awit 68:9,10;Jer. 5:24.dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
Awit 46:4.Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka’t inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga Jer. 9:10.pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga65:13 Is. 55:12. pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila’y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.