Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Awit 69

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.

1 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka’t tal. 2, 14, 15;Jon. 2:5.ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.

2 Ako’y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:

Ako’y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.

3 Ako’y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko’y tuyo:

Ang mga mata ko’y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.

4 Awit 35:19;Juan 15:25.Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:

Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:

Awit 35:11;Jer. 16:11.Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.

5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;

At ang mga kasalanan ko’y hindi lihim sa iyo.

6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,

Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:

Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.

7 Sapagka’t Jer. 15:15.dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;

Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.

8 Awit 31:11;Is. 53:3;Juan 1:11;7:5.Ako’y naging iba sa aking mga kapatid,

At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.

9 Awit 119:139;Juan 2:17.Sapagka’t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;

Rom. 15:3.At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.

10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,

Yao’y pagkaduwahagi sa akin.

11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,

Ay naging kawikaan ako sa kanila.

12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;

At ako ang awit ng mga lango.

13 Nguni’t tungkol sa akin, ang dalangin ko’y sa iyo, Oh Panginoon, Is. 49:8;2 Cor. 6:2.sa isang kalugodlugod na panahon:

Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,

14 tal.2;Awit 144:7.Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:

Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.

15 Huwag akong tangayin ng baha,

Ni lamunin man ako ng kalaliman:

At huwag takpan ng Awit 55:23.hukay ang kaniyang bunganga sa akin.

16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:

Awit 25:16.Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.

17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;

Sapagka’t ako’y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.

18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:

Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.

19 Talastas mo ang Awit 22:6,7;Heb. 12:2.aking kadustaan, at ang aking Mat. 27:29.kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:

Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.

20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at Mat. 26:37.ako’y lipos ng kabigatan ng loob:

At ako’y naghintay na may maawa sa akin, nguni’t wala;

At mga mangaaliw, nguni’t wala akong masumpungan.

21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;

Mat. 27:34,38;Mar. 5:23.At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.

22 Rom. 11:9,10; Hanggang tal. 28;Awit 35:4-8;109:6-15.Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;

At maging isang silo kung sila’y nasa kapayapaan.

23 Is. 6:9,10;Juan 12:39,40.Manglabo ang kanilang mga mata, na sila’y huwag makakita;

At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.

24 1 Tes. 2:16.Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,

At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.

25 Mat. 23:38;Luc. 13:35;Gawa 1:20.Magiba ang tahanan nila;

Walang tumahan sa kanilang mga tolda.

26 Sapagka’t kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,

At Is. 53:4.sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.

27 Rom. 1:28.At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:

At huwag silang masok sa iyong katuwiran.

28 Ex. 32:32;Fil. 4:3;Apoc. 3:5.Mapawi sila sa aklat ng buhay,

Luc. 10:20;Heb. 12:23.At huwag masulat na kasama ng matuwid.

29 Nguni’t ako’y dukha at mapanglaw:

Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.

30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,

At dadakilain ko siya ng pasalamat.

31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,

O sa toro na may mga sungay at mga paa.

32 Awit 34:2.Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:

Awit 22:26.Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.

33 Sapagka’t dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,

At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.

34 Awit 96:11;Is. 44:23.Purihin siya ng langit at lupa,

Ng mga dagat, Is. 55:12.at ng bawa’t bagay na gumagalaw roon.

35 Awit 51:18;Is. 44:26.Sapagka’t ililigtas ng Dios ang , at itatayo ang mga bayan ng Juda;

At sila’y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.

36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;

At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sião
Hoje: Jerusalém, Israel
צִיּוֹןtsiyyonΣιώνSiōn
31,78° N, 35,23° L
Citado em 148 versículosTb.: Jerusalém
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Awit 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.