IKATLONG AKLAT
1 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel.
Sa mga malilinis sa puso.
2 Nguni’t tungkol sa akin, ang mga paa ko’y halos nahiwalay:
Ang mga hakbang ko’y kamunti nang nangadulas.
3 Job 21:7;Awit 35:27.Sapagka’t ako’y nanaghili sa hambog,
Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
4 Sapagka’t walang mga tali sa kanilang kamatayan:
Kundi ang kanilang kalakasan ay Gen. 41:2.matatag.
5 Sila’y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao;
Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6 Kaya’t kapalalua’y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg:
Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan:
Sila’y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8 Sila’y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati:
2 Ped. 2:18;Jud. 16.Sila’y nangagsasalitang may kataasan.
9 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit,
At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10 Kaya’t ibinabalik dito ang kaniyang bayan:
At tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11 At kanilang sinasabi, Job 22:13;Awit 10:11.Paanong nalalaman ng Dios?
At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12 Narito, ang mga ito ang masama;
tal.3;Awit 17:14.At palibhasa’y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 tal.1;Mal. 3:14.Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso,
Awit 26:6.At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14 Sapagka’t buong araw ay nasalot ako,
At naparusahan tuwing umaga.
15 Kung aking sinabi, Ako’y magsasalita ng ganito;
Narito, ako’y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito,
Ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang Awit 20:2;77:13.sa ako’y pumasok sa santuario ng Dios,
At aking nagunita Awit 37:38.ang kanilang huling wakas,
18 Tunay na iyong inilagay Awit 35:6.sila sa mga madulas na dako:
Iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali!
Sila’y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 Job 20:8.Ang panaginip sa pagkagising:
Sa gayon, Oh Panginoon, Awit 78:65.pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21 Sapagka’t ang puso ko’y namanglaw,
At sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22 Awit 92:6.Sa gayo’y naging walang muwang ako, at musmos;
Ako’y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23 Gayon ma’y laging sumasaiyo ako:
Iyong inalalayan ang aking kanan.
24 Awit 32:8.Iyong papatnubayan ako ng iyong payo,
At Awit 49:15.pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 Fil. 3:8.Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw?
At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26 Awit 40:12;84:2.Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay:
Nguni’t ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at Awit 16:5.bahagi ko magpakailan man.
27 Sapagka’t narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol:
Iyong ibinuwal silang lahat, Ex. 34:15;Blg. 15:39;Sant. 4:4.na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28 Nguni’t mabuti sa akin Heb. 10:22.na lumapit sa Dios;
Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios,
Awit 107:26.Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.