Publicidade

Salmos 75

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.

1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:

Kami ay nagpapasalamat, sapagka’t ang iyong pangalan ay Deut. 4:7.malapit:

Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.

2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,

Hahatol ako ng matuwid.

3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:

Aking itinayo ang mga 1 Sam. 2:8;Awit 11:3.haligi niyaon. (Selah)

4 Aking sinabi sa Nah. 2:13.hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:

At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:

5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;

Huwag kang magsalitang may 1 Sam. 2:3;Job 15:26.matigas na ulo.

6 Sapagka’t hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,

O mula man sa timugan, ang pagkataas.

7 Kundi ang Awit 50:6.Dios ay siyang hukom:

1 Sam. 2:7.Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.

8 Sapagka’t Awit 11:6.sa kamay ng Panginoon ay may Job 21:20.isang saro, at ang alak ay bumubula;

Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:

Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.

9 Nguni’t aking ipahahayag magpakailan man,

Ako’y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.

10 Jer. 48:25.Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;

Nguni’t 1 Sam. 2:1.ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-