Publicidade

Salmos 77

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.

1 Ako’y dadaing ng aking tinig sa Dios;

Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.

2 Awit 86:7.Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:

Ang kamay ko’y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;

Gen. 37:35.Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.

3 Naaalaala ko ang Dios, at ako’y nababalisa:

Ako’y Awit 142:3.nagdaramdam, at ang diwa ko’y nanglulupaypay. (Selah)

4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:

Ako’y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.

5 Deut. 32:7;Awit 44:1;145:5.Aking ginunita ang mga araw ng una,

Ang mga taon ng dating mga panahon.

6 Aking inaalaala ang awit ko Job 35:10;Awit 4:4;16:7.sa gabi:

Sumasangguni ako sa aking sariling puso;

At ang diwa ko’y masikap na nagsiyasat.

7 Awit 74:1.Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?

At Awit 85:1.hindi na baga siya lilingap pa?

8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?

Natapos na bang walang hanggan Rom. 9:6.ang kaniyang pangako?

9 Nakalimot na ba ang Dios na Is. 49:15.magmaawain?

Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)

10 At aking sinabi, Awit 31:22.Ito ang sakit ko;

Nguni’t aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.

11 Awit 143:5.Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;

Sapagka’t aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.

12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,

At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.

13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay Awit 73:17.nasa santuario:

Ex. 15:11.Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?

14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:

Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.

15 Iyong tinubos Ex. 6:6.ng kamay mo ang iyong bayan,

Ang mga anak ng Jacob Awit 81:5.at ng Jose. (Selah)

16 Ex. 14:21;Awit 114:3;Hab. 3:10.Nakita ka ng tubig, Oh Dios;

Nakita ka ng tubig, sila’y nangatakot:

Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.

17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;

Awit 68:33.Ang langit ay humugong:

Ang mga Hab. 3:11.pana mo naman ay nagsihilagpos.

18 Ang Awit 104:7.tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;

Tinanglawan Awit 97:4.ng mga kidlat ang sanglibutan:

Ang lupa ay nayanig at umuga.

19 Ang daan mo’y Hab. 3:15.nasa dagat,

At ang mga landas mo’y nasa malalawak na tubig,

At ang bakas mo’y hindi nakilala.

20 Ex. 14:19;Awit 78:53.Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na Is. 63:11,12.parang kawan,

Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-