1 Oh Dios, Panag. 1:10.ang mga bansa ay dumating sa Awit 74:2.iyong mana;
Awit 74:7.Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
2 Hari 25:9,10;2 Cron. 36:19.Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay Deut. 28:26;Jer. 15:3.ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
Jer. 14:16.At walang naglibing sa kanila.
4 Awit 44:13;Dan. 9:16.Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
Zef. 1:18.Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 Jer. 10:25.Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7 Sapagka’t kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 Is. 64:9.Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka’t kami ay totoong hinamak.
9 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, Awit 25:11;Jer. 14:7-21.dahil sa iyong pangalan.
10 Awit 42:10.Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang Awit 94:1.kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 Awit 102:20.Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa Is. 65:6,7;Luc. 6:38.makapito Gen. 4:15,24.sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo’y Awit 74:1.kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.