1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya’y humahatol sa gitna ng mga dios.
2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At Deut. 1:17.magsisigalang sa mga pagkatao Kaw. 18:5.ng masama? (Selah)
3 Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
Kaw. 2:13.Sila’y nagsisilakad na paroo’t parito sa kadiliman:
Awit 11:3.Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6 Juan 10:34.Aking sinabi, Kayo’y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7 Gayon ma’y mangamamatay kayong Job 21:32;Awit 49:12.parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
8 Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
Awit 2:8;Apoc. 11:15.Sapagka’t iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.