1 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka’t Awit 40:17;70:5.ako’y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; Awit 50:5.sapagka’t ako’y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 Awit 56:1.Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka’t sa iyo’y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
Awit 25:1.Sapagka’t sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka’t ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At Ex. 34:6.sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 Awit 55:1,2.Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 Awit 77:2.Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka’t iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Ex. 15:11.Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 Awit 22:31;Is. 66:18;Apoc. 15:4.Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka’t ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
Deut. 6:4;32:39;Is. 37:16;1 Cor. 8:4.Ikaw na magisa ang Dios.
11 Awit 27:11.Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; Awit 26:3.lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka’t dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong Awit 58:13;116:8.iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, Awit 54:3.ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 Ex. 34:6.Nguni’t ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 Awit 25:16.Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa Awit 116:16.iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda Neh. 5:19;13:31.sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka’t ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.