Publicidade

Salmos 88

Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni #1 Hari 4:31. Heman na #1 Cron. 2:6. Ezrahita.

1 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,

Ako’y dumaing Awit 22:2;Luc. 18:7.araw at gabi sa harap mo:

2 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:

Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:

3 Sapagka’t ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,

At ang aking buhay ay Awit 107:18.nalalapit sa Sheol,

4 Awit 28:1.Ako’y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;

Ako’y parang taong walang lakas:

5 Nakahagis sa gitna ng mga patay,

Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,

Na tal. 10-12;Awit 6:5.hindi mo na inaalaala; At sila’y mangahiwalay sa iyong kamay.

6 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,

Sa mga Awit 143:3;Panag. 3:6.madilim na dako, sa mga Awit 69:15.kalaliman.

7 Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,

At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)

8 Job 19:13,19.Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;

Iyong ginawa akong Job 30:10.kasuklamsuklam sa kanila:

Ako’y nakulong at hindi ako makalabas,

9 Ang mata ko’y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:

Ako’y tumawag Job 11:13.araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,

Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.

10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?

Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)

11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?

O ang iyong pagtatapat sa Job 26:6.Kagibaan?

12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa tal.6.dilim?

At ang katuwiran mo sa lupain ng tal.5;Ec. 9:5.pagkalimot?

13 Nguni’t sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,

At Awit 5:3.sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.

14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?

Bakit mo Job 13:24.ikinukubli ang iyong mukha sa akin?

15 Ako’y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:

Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.

16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;

Inihiwalay ako Job 6:4.ng iyong mga kakilakilabot na bagay.

17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;

Awit 22:16.Kinubkob ako nilang magkakasama.

18 Mangliligaw at kaibigan ay Awit 38:11.inilayo mo sa akin,

At ang aking kakilala ay sa Job 17:14.dilim.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-