Publicidade

Salmos 89

Masquil ni #1 Hari 4:31; 1 Cron. 2:6. Ethan na Azrahita.

1 Aking aawitin ang Awit 101:1;Is. 55:3.kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man:

Aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali’t saling lahi.

2 Sapagka’t aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man:

Ang pagtatapat mo’y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.

3 Ako’y nakipagtipan sa aking hirang,

2 Sam. 7:8-16;1 Cron. 17:7-14.Aking isinumpa kay David na aking lingkod;

4 Ang binhi mo’y itatatag ko magpakailan man,

At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng Luc. 1:32,33.sali’t saling lahi. (Selah)

5 At Awit 50:6.pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;

Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng Job 5:1.mga banal.

6 Sapagka’t sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?

Sino sa gitna Awit 29:1.ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,

7 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,

At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?

8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,

Ex. 15:11;Awit 35:10.Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?

At ang pagtatapat mo’y nasa palibot mo.

9 Awit 65:7.Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:

Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.

10 Ex. 14:26-28;Awit 87:4.Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;

Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.

11 Ang langit ay Awit 24:1.iyo, ang lupa ay iyo rin:

Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong Awit 104:5.itinatag,

12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;

Ang Jos. 19:12.Tabor at ang Deut. 3:9.Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.

13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:

Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.

14 Awit 97:2.Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:

Awit 85:10.Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.

15 Mapalad Lev. 23:24.ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:

Sila’y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.

16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:

At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.

17 Sapagka’t ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:

At sa iyong lingap ay matataas ang 1 Sam. 2:1.aming sungay.

18 Sapagka’t ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;

At ang aming hari ay Awit 71:22.sa Banal ng Israel.

19 2 Sam. 7:17.Nang magkagayo’y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,

At iyong sinabi, Aking Awit 21:4.ipinagkatiwala ang saklolo sa isang 2 Sam. 17:10.makapangyarihan;

Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.

20 1 Sam. 16:12,13;Gawa 13:22.Aking nasumpungan si David na aking lingkod;

Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:

21 Na siyang itatatag ng aking kamay;

Palakasin naman siya ng aking bisig.

22 2 Sam. 7:10.Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;

Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.

23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,

At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.

24 Nguni’t ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;

At sa pangalan ko’y tal.17.matataas ang kaniyang sungay.

25 Awit 72:8.Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,

At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.

26 Siya’y dadaing sa akin, 2 Sam. 7:14.Ikaw ay Ama ko,

Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.

27 Akin namang gagawin siyang Awit 2:7;Col. 1:15,18.panganay ko,

Na pinakamataas Blg. 24:7.sa mga hari sa lupa.

28 Ang kagandahang-loob ko’y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,

At ang tipan ko’y mananayong matibay sa kaniya.

29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,

At ang luklukan niya’y Deut. 11:21.parang mga araw ng langit.

30 2 Sam. 7:14.Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,

At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;

31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,

At hindi ingatan ang mga utos ko;

32 Kung magkagayo’y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,

At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.

33 Nguni’t ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,

Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko’y magkulang.

34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain,

Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.

35 Minsan ay sumampa ako Awit 60:6;Amos 4:2.sa pamamagitan ng aking kabanalan.

Hindi ako magbubulaan kay David;

36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;

At ang kaniyang luklukan ay Awit 72:5.parang araw sa harap ko.

37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,

At tapat na Job 16:19.saksi sa langit. (Selah)

38 Nguni’t iyong Hanggang tal.45;Awit 44:9-22.itinakuwil at tinanggihan,

Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.

39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:

Awit 74:7;Panag. 5:16.Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.

40 Awit 80:12.Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:

Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.

41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.

Awit 44:13.Siya’y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.

42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;

Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.

43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,

At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.

44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.

At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.

45 Awit 102:23.Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:

Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)

46 Awit 13:1;Hab. 1:2.Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?

Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?

47 Job 7:7;10:9;Awit 39:5.Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:

Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.

48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,

Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)

49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,

tal.3;2 Sam. 7:15.Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?

50 Awit 94:18,22.Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;

Kung paanong taglay ko Awit 79:12.sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;

51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,

Na kanilang idinusta sa Awit 17:11.mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.

52 Awit 41:13.Purihin ang Panginoon, magpakailan man.

Siya nawa, at Siya nawa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-