Publicidade

Salmos 9

Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.

1 Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;

Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.

2 Ako’y magpapakasaya at Awit 5:11.magpapakagalak sa iyo:

Ako’y aawit ng pagpuri sa Awit 83:18.iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.

3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,

Sila’y matitisod at malilipol sa iyong harapan.

4 Sapagka’t iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;

Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.

5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,

Deut. 9:14;Kaw. 10:7.Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.

6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila’y lipol magpakailan man;

At ang mga siyudad na iyong dinaig,

Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.

7 Nguni’t ang Awit 102:12.Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:

Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.

8 At Awit 96:13;98:9.hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,

Siya’y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.

9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,

Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;

10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay Awit 91:14.maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;

Sapagka’t ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.

11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:

Awit 107:22.Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.

12 Sapagka’t siyang Gen. 9:5.nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:

Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.

13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;

Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,

Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga Job 38:17.pintuan ng kamatayan;

14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:

Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,

Awit 13:5;20:5;35:9.Ako’y magagalak sa iyong pagliligtas.

15 Ang mga bansa ay Awit 35:7,8;57:6.nangahulog sa balon na kanilang ginawa:

Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.

16 Ang Panginoon Ex. 7:5;14:4.ay napakilala, siya’y naglapat ng kahatulan:

Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)

17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,

Pati ng lahat ng mga bansa na Job 8:13.nagsisilimot sa Dios.

18 Sapagka’t ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,

Kaw. 23:18.Ni ang pagasa Awit 10:2,9.ng dukha ay mapapawi magpakailan man.

19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:

Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.

20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:

Ipakilala mo sa mga bansa na sila’y mga tao lamang. (Selah)

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-