Publicidade

Salmos 91

Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.

1 Siyang Awit 32:7;61:4.tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.

Ay mananatili Awit 17:8;121:5.sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.

2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya’y aking kanlungan at aking katibayan,

Ang Dios ko na Awit 25:2.siyang aking tinitiwalaan.

3 Sapagka’t kaniyang ililigtas Awit 69:22;119:110.ka sa silo ng paninilo,

At sa mapamuksang salot.

4 Kaniyang tatakpan ka Awit 17:8.ng kaniyang mga bagwis,

At sa Mat. 23:37;Luc. 13:34.ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:

Ang kaniyang katotohanan Awit 35:2.ay kalasag at baluti.

5 Kaw. 3:23,24;Is. 43:12.Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,

Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;

6 Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,

Deut. 32:24;Is. 28:2.Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.

7 Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,

At sangpung libo sa iyong kanan;

Nguni’t hindi lalapit sa iyo.

8 Awit 37:34;Mal. 1:5.Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,

At iyong makikita ang ganti sa masama.

9 Sapagka’t ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!

Iyong ginawa ang Kataastaasan na Awit 71:3.iyong tahanan;

10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,

Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.

11 Awit 34:7;Mat. 4:6;18:10;Luc. 4:10,11.Sapagka’t siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,

Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.

12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,

Job 5:23;Awit 37:24.Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:

Ang batang leon at ang ahas Luc. 10:19.ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.

14 Sapagka’t kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya’t iniligtas ko siya:

Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka’t Awit 7:10.kaniyang naalaman ang pangalan ko.

15 Siya’y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;

Ako’y Is. 43:2.sasa kaniya sa kabagabagan:

Aking ililigtas siya, at pararangalan 1 Sam. 2:30;Juan 12:26.siya.

16 Aking bubusugin siya Deut. 6:2;1 Hari 3:14.ng mahabang buhay,

At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-