Pular para o conteúdo
Publicidade

MGA AWIT 95

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

1 Awit 55:23.Oh magsiparito kayo, tayo’y magsiawit sa Panginoon:

Awit 100:1.Tayo’y magkaingay na may kagalakan Deut. 32:15;2 Sam. 22:47.sa malaking bato na ating kaligtasan.

2 Tayo’y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,

Tayo’y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.

3 Sapagka’t ang Awit 97:9.Panginoon ay dakilang Dios,

At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,

4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,

Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.

5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:

At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.

6 Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod;

Tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também