Publicidade

Salmos 96

Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.

1 1 Cron. 16:7.Oh magsiawit kayo Hanggang tal.13;1 Cron. 16:23-33;Awit 98.sa Panginoon ng bagong awit:

Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.

2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;

Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa

Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan

4 Sapagka’t dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:

Siya’y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.

5 Sapagka’t lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.

Awit 115:15.Nguni’t nilikha ng Panginoon ang langit.

6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:

Awit 78:61.Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.

7 Magbigay kayo sa Panginoon, Awit 22:27.kayong mga angkan ng mga bayan,

Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.

8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;

Awit 45:12.Kayo’y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga Awit 116:19.looban.

9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:

Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-