Publicidade

Salmos 97

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

1 Ang Panginoon ay 1 Cron. 16:31.naghahari; magalak ang lupa;

Matuwa ang karamihan ng mga pulo.

2 1 Hari 8:12;Awit 18:11.Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:

Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.

3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.

4 Tumatanglaw Ex. 19:18;Awit 77:18.ang mga kidlat niya sa sanglibutan:

Nakita ng lupa, at niyanig.

5 Huk. 5:5;Nah. 1:5.Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,

Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

6 Ipinahahayag Awit 50:6.ng langit ang kaniyang katuwiran,

At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.

7 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,

Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:

Kayo’y magsisamba sa kaniya Heb. 1:6.kayong lahat na mga dios.

8 Narinig ng Sion, at natuwa,

At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;

Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.

9 Sapagka’t ikaw, Oh Panginoon, ay Awit 92:9.kataastaasan sa buong lupa:

Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.

10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, Awit 101:23.ipagtanim ninyo ang kasamaan.

Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;

Kaniyang iniligtas sila Dan. 3:28;6:22,27;Gawa 12:11.sa kamay ng masama.

11 Job 22:23;Awit 112:4;Kaw. 4:18.Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,

At kasayahan ay sa may matuwid na puso.

12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;

Awit 30:4.At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-