Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 99

Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.

1 Ang Panginoon ay 1 Cron. 16:31.naghahari: manginig ang mga bayan.

Ex. 25:22;Awit 80:1.Siya’y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.

2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya’y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.

3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:

Siya’y Luc. 1:49.banal.

4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;

Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,

Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.

5 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,

At magsisamba kayo 1 Cron. 28:2.sa harap ng kaniyang tungtungan;

Apoc. 15:4.Siya’y banal.

6 Ex. 24:6-8;40:23,25,27;Lev. 8:1-30.Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si 1 Sam. 7:9;12:18.Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;

Sila’y nagsisitawag sa Panginoon, at siya’y sumasagot sa kanila.

7 Siya’y nagsasalita sa kanila Ex. 33:5;Blg. 12:5.sa haliging ulap:

Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.

8 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;

Blg. 14:20.Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,

Blg. 20:12;Deut. 9:20.Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.

9 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,

At magsisamba kayo sa kaniyang Awit 2:6.banal na bundok;

Sapagka’t ang Panginoon nating Dios ay banal.

Veja também