1 Hanggang tal.7;Awit 53:1-6.Ang 1 Sam. 25:25;Awit 10:4.mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
Gen. 6:5,11,12.Sila’y nangapapahamak, sila’y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Rom. 3:10-12.Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila’y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Awit 82:5.Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
Amos 8:4;Mik. 3:3.Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
Is. 64:7.At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo’y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka’t ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka’t ang Panginoon ang kaniyang Awit 142:5.kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling Rom. 11:26.sa Sion!
Kung Awit 126:1.ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.