Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
1 Oh Panginoon, aming Panginoon,
Awit 148:13.Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Awit 113:4.Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 Mat. 11:25;21:16.Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 Awit 111:2.Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 Job 7:17;Awit 144:3;Heb. 2:6,8.Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka’t iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 Gen. 1:26,28.Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
1 Cor. 15:27.Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 tal.1.Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!