Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
1 Kay Awit 27:4.iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 Awit 42:1,2.Ang kaluluwa ko’y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko’t laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, Kaw. 26:2.ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga’y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 Awit 65:4.Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang Awit 42:5,11.palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 Is. 40:31;Juan 1:16;2 Cor. 3:18.Sila’y nagsisiyaon sa kalakasa’t kalakasan,
Bawa’t isa sa kanila ay Awit 42:2.napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, Gen. 15:1.Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng Awit 61:6.iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka’t isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka’t ang Panginoong Dios Is. 60:19,20.ay araw at kalasag:
Ang Panginoo’y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
Awit 34:11,12.Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
Awit 2:12.Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.