Publicidade

Salmos 101

Awit ni David.

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:

Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.

2 Ako’y magpapakapantas sa sakdal na lakad:

Oh kailan ka pasasa akin?

Ako’y lalakad sa loob ng aking bahay na 1 Hari 9:4;Awit 78:72.may sakdal na puso.

3 Hindi ako maglalagay Deut. 15:9.ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:

Awit 97:10.Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:

Hindi kakapit sa akin.

4 Kaw. 11:20;17:20.Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:

Mat. 7:23;2 Tim. 2:19.Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.

5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa Awit 94:23.ay aking ibubuwal:

Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.

6 Ang mga mata ko’y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila’y makatahan na kasama ko:

Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya’y mangangasiwa sa akin.

7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:

Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.

8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;

Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan Awit 48:8.sa bayan ng Panginoon.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-