Publicidade

Salmos 103

Awit ni David.

1 Purihin mo ang Panginoon, tal. 2:22;Awit 104:1,35;146:1.Oh kaluluwa ko:

At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,

At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.

3 Awit 130:8;Is. 33:24.Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;

Ex. 15:26.Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;

4 Awit 56:13.Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:

Na siyang nagpuputong sa iyo ng Awit 5:12.kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:

5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;

Na anopa’t ang Is. 40:31.iyong kabataan ay nababagong parang agila.

6 Awit 146:7.Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,

At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.

7 Kaniyang ipinabatid ang Awit 147:19,20.kaniyang mga daan kay Moises,

Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.

8 Ang Panginoon ay puspos Ex. 34:6,7;Awit 86:15.ng kahabagan at mapagbiyaya,

Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.

9 Awit 30:5;Is. 57:16.Hindi siya makikipagkaalit na palagi;

Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.

10 Ezra 9:13.Siya’y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,

Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.

11 Awit 57:10.Sapagka’t kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,

Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob Luc. 1:50.sa kanila na nangatatakot sa kaniya.

12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,

Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.

13 Mal. 3:17.Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,

Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

14 Sapagka’t nalalaman niya ang ating anyo;

Awit 78:39.Kaniyang inaalaala na Gen. 3:19.tayo’y alabok.

15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:

Kung paanong namumukadkad ang Awit 90:5,6;Is. 40:6.bulaklak sa parang ay gayon siya.

16 Sapagka’t dinadaanan ng hangin, at napaparam;

At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.

17 Nguni’t ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,

At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa Ex. 20:6.mga anak ng mga anak;

18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,

At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,

19 Itinatag ng Panginoon ang Awit 11:6.kaniyang luklukan sa mga langit;

At ang Dan. 4:25,34,35.kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.

20 Awit 148:2.Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:

Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,

Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.

21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;

Awit 104:4;Dan. 7:9,10.Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.

22 Awit 145:19.Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,

Sa lahat na dako na kaniyang sakop;

tal. 1, 2.Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-