1 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, Awit 103:1.Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako’y nabubuhay ay Awit 104:33.pupurihin ko ang Panginoon:
Ako’y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako’y may buhay.
3 Awit 118:8,9;Is. 2:21.Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 Awit 104:29;Ec. 12:9.Ang hininga niya ay pumapanaw, siya’y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 Awit 144:15.Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 Gawa 14:15.Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 Awit 103:6.Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
Awit 107:9.Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
Awit 68:6;Is. 61:1.Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 Mat. 9:30;Juan 9:7,32.Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
Awit 145:14;Luc. 13:13.Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 Ex. 22:21,22;Deut. 10:18.Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni’t Awit 147:6.ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 Awit 10:16.Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.