1 Oh mangagpasalamat kayo 1 Cron. 16:34,41;Awit 106:1.sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti:
Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 Awit 115:9-11.Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 Awit 120:1.Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako2 Sam. 22:20.sa maluwag na dako.
6 Heb. 13:6.Ang Panginoon ay kakampi ko; Awit 56:4,11.hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 Awit 54:4.Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
Awit 54:7.Kaya’t makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 Awit 146:3.Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila’y Deut. 1:44.nangamatay na parang Awit 58:9.apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako’y mabuwal:
Nguni’t tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay Ex. 15:2;Is. 12:2.aking kalakasan at awit;
At siya’y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 Luc. 1:51.Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 Hab. 1:12.Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At Awit 107:22.magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 2 Cor. 6:9.Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni’t hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 Awit 24:7,9.Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako’y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito’y siyang pintuan ng Panginoon;
Is. 35:8;Apoc. 22:14.Papasukan ng matuwid.
21 Ako’y magpapasalamat sa iyo, sapagka’t sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 Mat. 21:42;Mar. 12:10,11;Luc. 20:17;Gawa 4:11;Ef. 2:20;1 Ped. 2:4,7.Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo’y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 Mat. 21:9;23:39;Mar. 11:9;Luc. 13:35.Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at Awit 97:11.binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga’y sa mga tilaEx. 27:2.sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 tal.1.Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka’t siya’y mabuti:
Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.