Publicidade

Salmos 112

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

1 Purihin ninyo ang Panginoon.

Mapalad Awit 128:1.ang tao na natatakot sa Panginoon,

Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.

2 Awit 25:13;37:26.Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;

Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.

3 Mat. 6:33;Mar. 10:30;1 Tim. 4:8.Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:

At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

4 Sa matuwid ay Awit 97:11.bumabangon ang liwanag sa kadiliman:

Awit 111:4.Siya’y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.

5 Mat. 5:42.Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,

Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.

6 Sapagka’t siya’y hindi makikilos magpakailan man;

Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.

7 Siya’y hindi matatakot Kaw. 1:33.sa mga masamang balita:

Ang kaniyang Awit 57:7.puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.

8 Ang kaniyang puso ay natatag, siya’y hindi matatakot,

Hanggang sa kaniyang Awit 54:7.makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.

9 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;

Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,

Ang kaniyang 1 Sam. 2:1.sungay ay matataas na may karangalan.

10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;

Siya’y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:

Ang nasa ng masama ay Kaw. 10:28.mapaparam.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-