1 Ititingin ko ang aking mga mata sa Awit 87:1.mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 Awit 124:8.Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 1 Sam. 2:9;Awit 66:9.Hindi niya titiising ang paa mo’y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay Awit 127:1;Is. 27:3.hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay Awit 91:1;Is. 25:4.lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan Awit 91:1;Is. 49:10;Apoc. 7:16.ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang Awit 97:10.iingatan ang iyong kaluluwa.
8 Deut. 28:6.Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.