Publicidade

Salmos 124

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

1 Awit 94:17.Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,

Awit 129:1.Sabihin ng Israel ngayon,

2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,

Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:

3 Nilamon nga nila sana Awit 56:1.tayong buháy,

Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:

4 Tinabunan nga sana tayo Awit 18:16;144:7.ng tubig,

Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:

5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.

6 Purihin ang Panginoon,

Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.

7 Awit 91:3.Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:

Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.

8 Awit 121:2.Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,

Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-