Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 125

Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

1 Silang nagsisitiwala sa Panginoon

Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.

2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,

Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,

Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.

3 Sapagka’t ang cetro ng kasamaan ay Kaw. 22:3;Is. 14:5.hindi bubuhatin sa Awit 16:5.mga matuwid;

Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.

4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,

At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.

5 Nguni’t sa Kaw. 2:15.nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,

Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.

Awit 128:6;Gal. 6:16.Kapayapaan nawa ay suma Israel.

Veja também