Publicidade

Salmos 126

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

1 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,

Gawa 12:9.Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.

2 Job 8:21.Nang magkagayo’y napuno ang bibig natin ng pagtawa,

At ang dila natin ng awit:

Nang magkagayo’y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,

Ginawan sila ng Panginoon ng mga Luc. 1:49;Joel 2:20,21.dakilang bagay.

3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;

Na siyang ating ikinatutuwa.

4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,

Na gaya ng mga batis sa Timugan.

5 Jer. 31:9.Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.

6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;

Siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-