Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
Awit 121:4.Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo’y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
Gen. 3:17,19.At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka’t binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.