1 Kung wala ang tulong ng Panginoon
sa pagtayo ng bahay,
walang kabuluhan ang pagtatayo nito.
Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,
walang kabuluhan ang pagbabantay dito.
2 Walang kabuluhan ang paggising nang maaga
at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain,
dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal,
kahit silaʼy natutulog.