Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Awit 142:1-5

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. Masquil ni David, nang siya’y nasa yungib; Dalangin.

1 Ako’y Awit 77:1.dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;

Ako’y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.

2 Awit 102, titik;Is. 26:16.Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;

Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.

3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,

Nalaman mo ang aking landas.

Awit 140:5.Sa daan na aking nilalakaran

Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.

4 Awit 69:20.Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:

Sapagka’t Awit 31:11.walang tao na nakakakilala sa akin:

Kanlungan ay kulang ako;

Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.

5 Ako’y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;

Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,

Awit 16:5;Panag. 3:24.Aking bahagi Awit 27:13.sa lupain ng may buhay.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon.

    Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako.

    2 Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.

    3 Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa,

    kayo ay nariyan na nagbabantay

    kung ano ang nangyayari sa akin.

    Ang aking mga kaaway ay naglagay

    ng bitag sa aking dinadaanan.

    4 Tingnan nʼyo ang aking paligid,

    walang sinumang tumutulong sa akin.

    Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.

    5 Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon.

    Sinabi ko, "Kayo ang aking kanlungan,

    kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.