1 Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon.
Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako.
2 Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.
3 Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa,
kayo ay nariyan na nagbabantay
kung ano ang nangyayari sa akin.
Ang aking mga kaaway ay naglagay
ng bitag sa aking dinadaanan.
4 Tingnan nʼyo ang aking paligid,
walang sinumang tumutulong sa akin.
Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.
5 Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon.
Sinabi ko, "Kayo ang aking kanlungan,
kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo."