8 Ex. 34:6;Awit 86:5;15.Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
9 Awit 100:5.Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 Awit 19:1.Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
Awit 50:5.At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila’y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 Awit 105:1.Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.