8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin;
hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.
9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat;
nagmamalasakit kayo
sa lahat ng inyong nilikha.
10 Pasasalamatan kayo, Panginoon,
ng lahat ng inyong nilikha;
pupurihin kayo ng inyong mga tapat
na mamamayan.
11 Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan
at ang kadakilaan ng inyong paghahari,
12 upang malaman
ng lahat ang inyong dakilang mga gawa
at ang kadakilaan ng inyong paghahari.